Ang Aking Hinaharap
Binuksan ko ang dyaryo ng aking lolo na ito ang nilalaman…
Virgo—uulanin ka ng katamaran ngayong buwan…
Sa unang pagkakataon ako’y naniwala sa guhit ng kapalaran—na ang lahat ng tao ay may nakatakdang patutunguhan.
Sa kasalukuyan ako’y nagrereview sa nalalapit naming board exams ngayong darating na Set,…Sep,…pucha! pano nga ba ang espeling ng September sa tagalog? Hayup! papasa ba ako? tagalog na lang di ko pa alam.
Gabi-gabi, sa nakaraang isang buwan, alas-onse pa lamang tulog na ak0.At sa bawat pagkakataong yun ay binalak kong gumising ng alas singko para mag-jogging. At tulad ng pangarap ng mga Pilipinong makaahon sa kahirapan, ito’y nanatiling isang matamis na panaginip na lang. At dahil dito, lagi kong napapanaginipan na ako’y tumatakbo sa dalampasigan–sariwa ang hangin, naghahabulan ang mga alon. Gumigising akong pawisan dahil sa panaginip. Tangna! pinatay pala ni Lola ang electric fan. Kaya naman pala. Pwede bang magka-muscle ang utak sa pagtakbo sa panaginip? Sa tingin ko kasi lumalaki na ang ulo ko…Opps! tanga… ibang ulo pala ang lumalaki sa akin. Nakalimutan ko, umaga na pala. Kailangan ko ng "eexercise" itong alaga ko.Teka lang muna ha… Ahhh! Sarap! Ito ang buhay…
sa panulat ni Glen